Lalaking Hindi Marunong Magnetworking, Nagbenta Ng Produkto!


Huli sa akto!
                           TIKLO!

Isang 27 anyos na lalaki ang dinala sa presinto ng nakaraang lunes matapos mapaghinalaang syang isang scammer ng kanyang “business partner”. Kinilalang si Jovani Balatbag, inreklamo sya ng isang 25 anyos na babae matapos nitong tangkahing magbenta ng health products gaya ng slimming tea, whitening cream, at gamot sa cancer.

“Hindi ko lang po talaga inexpect yun,” ani ng biktima, “diba pag networking wala naman talagang nagbebenta ng produkto? Sinasabi lang nila yun pero hindi talaga ginagawa. Parang pag pulitiko ka tapos sinsasabi mo na gusto mo mag serbisyo publiko. Saka may pumapayat at pumuputi ba talaga sa mga ganun? Hindi talaga totohanan. Utakan lang para makakuha ng membership at mabawi mo yung puhunan na nautakan sayo. Alam ko na yun eh. Matagal na rin ako sa ganitong business. Kaya nung binentahan nya ako ng kung ano ano, nagduda na ako na baka scam to. Multi-level marketing nga eh, hindi multi-level tindahan. HALER.”

Nang makapanayam ng Agila News ang may sala, dagli naman sinabi ni Jovani na isa lang itong malaking di pagkakaintindihan. “Isa lang itong malaking di pagkakaintindihan,” sabi ni Jovani.

Unang beses lang daw pumasok ni Jovani sa Networking. Nadala na rin sya ng isa pang kaibigan dahil sa libreng kape, at sa paniniwalang isa syang hard-working at “open-minded” na indibidwal. “Nang makita ko yung post ng kaibigan ko sa facebook group na PAWATAWA POSTZ 2014, ‘permission to post, admin’ pa lang, nahimok na ako. Bihira lang kasi yung hard-working at open-minded na gustong magkaron ng kotseng magara galing sa puhunan na sampung libo. Feeling ko talaga para sakin yun. Kaya ayun. Nakipagkape ako.”

Di naman inakala ni Jovani na sa presinto hahantong ang kanyang unang sabak sa Networking. “Sabi kasi world-class yung mga product namin. E di ibinenta ko. Akala ko kasi yun talaga ang ginagawa sa multi-level marketing. Sa sales kumikita. Yun pala, dapat nag-focus lang ako sa pangagancho ng kapwa ko na sumali sa membership program. Kung nalaman ko lang sana wala nang gulo.”

Dahil wala naman maihablang kaso ang biktima, napagdesisyunan na lang ng bumakas na lang sa downline ni Jovani ang babae at bayaran ni Jovani ang kanilang kape. Nangako naman si Jovani na umayos na ng asal at wag na magbenta ng produkto na alam ng lahat na wala naman talagang silbi at sa halip ay maghanap nalang ng mga tungaw na sasali pa sa kanilang grupo.

“Lesson learned. Paglabas ko ng presinto, magnet pa rin ako ng swerte,” ani ni Jovani, “teka, open-minded ka rin ba?”

Advertisements

What do you have to say

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s