Grupo Ng Skwater, Nakiprotesta Laban Sa Panghihimasok ng Tsina Sa Spratleys


Isang grupo ng mga informal settlers ang nakiisa sa bayan upang tutulan ang panghihimasok ng bansang tsina sa mga pinagaagawang isla sa West Philippine Sea.

protester
Ansaya lang

Kaninang hapon, nagrally ang grupong Samahang Kaming Walang Ariarian Tumuligsa (SKWAT) sa harap ng Chinese embassy sa layong mapatigil nito ang illegal na pag-okupa sa mga islang matagal nang kinikilalang teritoryo ng Pilipinas.

“Alam naman nilang hindi sa kanila yung lupa, bakit sila naninirahan dun?” sambit sa Agila News ng kanilang spokesperson na si  Benjo Sablaysablayan. “Mali yun eh. Malinaw sa dokumento na pagaari ng Pilipinas ang mga isla. Matagal ng atin yun. Dahil lang hindi natin natayuan ng mga istraktura, kinamkam na agad sya ng Tsina. Tungkulin natin na tutulan ang kanilang panghihimasok. Anong gusto nila, bigyan sila ng relocation site? Mga linta!”

Umabot din ng apat na oras ang kilos protesta na matahimik din namang natapos ng uminit na ng husto ang araw. Tumuloy ang lupon sa kanilang airconditioned na auditorium sa BASECO compound, Manila para sa isang open forum. Maalalang nabuo ang grupong SKWAT noong 2010 bilang representante ng mga illegal settler na ayaw lumayas sa mga lupa ng gobyerno nang hindi nabibigyan ng kapalit ng magarang relocation site sangayon sa Lina Law.

Nang tanungin kung alam ba ng SKWAT na medyo hawig ang kalagayan ng Pilipinas sa nangyayari sa mga lupaing tinitirikan ng bahay ng mga miyembro ng SKWAT, sumagot si ginoong Sablaysablayan:  “Di ko gets.”

Inulit ng Agila reporter ang tanong. Hindi ba maihahambing ang pagtira ng SKWAT sa lupa ng ibang tao sa kalagayan ngayon ng mga isla sa Spratley? “Di ko talaga gets,” ang sagot ni Ginoong Sablaysablayan.

Sa huling tanong, gigil namin tinanong kung ang Tsina ay isang skwater at ang Pilipinas ang may-ari ng lupa, hindi ba pareho lang ang ginagawa nito sa ginagawa ng mga miyembro ng SKWAT na TUMITIRA sa LUPA ng MAY LUPA?

“AAAAAAAAAAH. Walang kinalaman yun dito. Wag kayong makinig sa mga namumulitika. Ang importante, bilang Pilipino, nakikiisa ang SKWAT na siguraduhin na hindi ibang tao ang nakikinabang sa lupang nararapat na pakinabangan ng mga tunay na may-ari nito.”

Advertisements

What do you have to say

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s