CHRISTMAS EDITORIAL: “Parang tumaba ka”, sabi ng Tita mong kupal ngayong Reunion 


May bago kang trabaho. Mataas din ang year-end appraisal mo. At mayroon kang bagong kotse. Pero sa lahat ng magandang nangyayari sa buhay, ang comment lang sayo ngayong Christmas Reunion ay, “Tumaba ka ata”. 

May bago ka nang girlfriend. Kamukha ni Anne Curtis. Sobrang sexy, at matalino pa. Siya ang pinaka unang babaeng dinala mo sa reunion. Feeling mo siya na ata ang papakasalan mo. At habang ka-holding hands mo siya, hinawakan ng Tita mo ang tiyan mo at sinabi niya, “Unli-rice ka palagi no?” 

Nang biglang mabilaukan ang Lolo mo. Naalala mo ang first aid training Sa high school at tumakbo ka para bigyan siya ng heimlich maneuver. Niyakap mo siya sa likuran at pagkatapos ng iialang saglit ay lumipad mula sa bibig niya ang parte ng manok na muntik nang tumapos sa buhay ng Lolo mo. 

Nagpasalamat ang nga kamag anak mo sayo at niyakap ka ng mahigpit ng Lola mo. “Salamat ng marami iho”. 

Lumapit ang Tita mo sayo, tinitigan ka ng mataimtim, ngumiti at sinabi niya, “Buti na lang malaki tiyan mo o baka na-tepok Lolo mo!” 

Gago ka talaga Tita. Kita kits ulit next year. 

Advertisements

What do you have to say

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s